Monday, November 30, 2009

Para sa aking mga kababayang Kapampangan

Mga kababayang Kapampangan:

Parang awa niyo na po, huwag niyo nang ihalal si GMA bilang inyong kongresista. Malaki man ang utang na loob ninyo sa kanya dahil sa puri at kasaganahang naidulot sa inyo, isipin niyo rin sana ang kapakanan ng buong bansa. Hindi ko na po siguro kailangang ipahiwatig kung bakit.

Kung talaga pong mahal na mahal niyo si GMA, isipin niyo rin na lang po na pagkatapos ng halos sampung taong nakaupo bilang pangulo ay kailangan na niyang magpahinga, kahit na lang para sa kalusugan niya.

Konting unawa lang po. Salamat po.