Wednesday, June 29, 2005

Liham Galing Lihim na Pangkat ng Magsu-suman Latik

Gg. Presidente:

Kami'y nagmamalasakit sa inyo ukol sa kinararatnan ninyo ngayon. Hindi madaling magpakumbaba ng loob, lalo na na kayo ang pinakamataas na opisyal sa buong bansa. Paano, eh, nabisto kayo.... Ika nga, that's the way the suman -- este, cookie -- crumbles.

Kung kami sana ang kinuha ninyong tagapagpayo, maiiba ang takbo ng usapan ninyo ni G. Garci. Dahil ang cellphone nga ay napapakinggan ng mga hindi dapat na nakakaranig -- ito po'y nalaman niyo ngayong huli na ang lahat -- dapat ay magsasalita kayo ng padaplis. Para hindi maintindihan ng mga kalaban kung ano ang inyong pinag-uusapan.

Halimbawa, kung kami ang nasunod, ganito sana ang nangyaring usapan:

GMA: Hello...

Garci: Hello, ma'am, good morning. Okay, ma'am, mas mahaba iyong suman niya, per mag-compensate po sa Lanao yan. Mas masarap ang bigas doon.

GMA: So I will still lead by more than one...inch, overall?

Garci: More or less, it's the advantage ma'am. Parang ganun din ang luto.

GMA: It cannot be less than one...inch? At dapat, mabango, ha?

Garci: Pipilitin ma'am natin yan. Pero as of..the last cooking... point 982...inches.

GMA: Kaya nga, eh...

Garci: And then if we can get more bigas in Lanao.

GMA: Hind pa ba tapos?

Garci: Hindi pa ho, meron pa hong darating na suman sa seven municipalities.

GMA: Ah, ok, ok.


O, di ba? Kung may nakikinig man, akala pahabaan lang ng suman ang pinag-uusapan. Kunwari, nagpapaligsahan kayo ng kabilang kampo sa pagluluto ng suman.

Eh, hindi naman gago ang mga taong-bayan, kaya siguradong magdadalawang isip din sila ukol sa pinag-usapan ninyo. Pero may lusot kayo. Lalo na kung talagang naghanda kayo ng suman. Kung kayo'y natuklasan man, at least may pagtatawanan kami, di ba? Imbes na magalit kami, matatawa kami. Pero, huli na ang lahat.


--Lihim na Pangkat ng Magsu-suman Latik (Secret Society of Suman Latik)


Sean
Kat
Clair

5 comments:

  1. niiiiiiice! (claps) wehehehe! I got here by Clair's heads up.

    ReplyDelete
  2. He, he. Oo, salamat. Tapos...walang daya 'to, ha?

    ReplyDelete
  3. huwaw pahabaan ng suman astig...ehehe daan lang^^

    ReplyDelete